Nakaramdam ng pagyanig ng lupa ang halos kalakhang Romblon pasado alas-9:37 ng gabi nitong Biyernes, June 05.
Ayon sa DOST-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang nasabing lindol ay may lakas na magnitude 5 kung saan naitala ang sentro sa layong 27km N ng Calintaan, Occidental Mindoro.
Tectonic ang dahilan ng nasabing lindol at posibleng magkaroon pa ng aftershocks.
ADVERTISEMENT
Wala pang naitatalang datus ang Phivolcs kaugnay sa intensity na naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng Mimaropa.