Arestado sa operasyon ng mga kapulisan sa bayan ng Odiongan, Romblon noong Sabado ang dalawa kataong iligal di umanong nagpuputol ng kahoy sa Brgy. Amatong.
Ang operasyon na kinasa ng CIDG-Romblon, Romblon Provincial Mobile Force Company, at Odiongan Municipal Police Station.
Ayon sa pulisya, bandang 10:48 ng umaga ng puntahan nila ang lugar matapos makatanggap ng tip na di umano ay gumagamit ng iligal na chainsaw ang isa sa mga suspek.
Habang inaaresto ang operator at ang kasama nito, napag-alaman ng otoridad na wala ring permit mula sa Department of Environment and Natural Resources ang dalawa para magputol ng mga punong kahoy.
Nakuha sa kanila ang aabot sa unit ng chainsaw at 12 pirasong paper tree lumber.
Nakakulong na ngayon ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7161 o Illegal Logging, at sa RA 9175 o ang Anti-Chainsaw Act of 2020.
Paalala ni Police Captain Manuel Fernandez Jr., Chief of Police ng Odiongan Municipal Police STation, na alamin ang mga papeles na kailangan bago mag-operate ng chainsaw at magputol ng puno. Sumangguni umano sa DENR para macomply ang mga requirements upang hindi managot sa batas.