Tipong nagisa ni Finance Secretary Carlos Dominguez III si Sen. Imee Marcos sa ginanap na virtual conference kasama ang ilang mga senador nitong nakalipas na Miyerkules (May 20), matapos sabihin ng huli na matagumpay at epektibo umano ang paggamit ng mga commercial at rural banks sa ilalim ng Masagana 99 Program ng kanyang yumaong ama, ang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Bwelta ni Dominguez, Agriculture Secretary sya noong panahon ni Cory Aquino (1987-1989), na syang naglinis ng mga basurang iniwan ng Masagana 99 program. Nasa 800 rural banks ang nabangkarote lamang ng nasabing programa, dagdag pa ni Dominguez.
Sagot ni Marcos, maaari umanong hindi sa pagbabangko ang tagumpay ng nasabing programa, kundi sa pagluluwas (export) ng mga bigas. Subalit kinontra sya ulit ni Dominguez, aniya ‘ni hindi nag-export ng bigas ang Pilipinas noong mga panahong ‘yon.
Well, hindi na rin lingid sa atin ang ‘revisionism’ attempts sa pamamagitan ng pagpapakalat ng kasinungalingan na pinapaniwalaan din naman ng mga bulag na mga taga-suporta. Ang kagandahan lamang sa ginawa ni Dominguez, he spoke out against and refuted the lies. Kung si Sec. Dominguez sa puntong ito ng kanilang meeting ay nanahimik na lang at hindi na kinontra ang alam nyang mali, tiyak na paniniwalaan na naman si Marcos na mga politically blind fanatics.
Katulad ni Sec. Dominguez, dapat ganun din ang bawat isang alam ang totoo sa isang isyu o usapin, kumibo ka at kontrahin ang kasinungalingan, sa isang paraan ng pag-uusap na maayos pa rin, ‘wag ka makikipag-away.
Ang pagpalaganap ng katotohanan ay responsibilidad ng bawa’t isa.
Narito ang video clip ng usapan nina Sen. Marcos at Sec. Dominguez. (Source: Rappler YouTube)
Related articles: ‘800 banks bankrupted’: Dominguez disputes Imee Marcos’ claim that father’s Masagana program a success