MANILA, Philippines — Tiklo sa cybercrime division ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umanoy negosyante at social media personality na si Francis Leo Marcos, ayon sa mga ulat na lumabas nitong Martes.
Hinuli ng NBI si Marcos kaugnay ng kasong inihain sa Baguio City dahil sa paglabag diumano sa Republic Act 8050, o Optometry Law, ayon sa ulat ng dzBB.
Wala pa namang karagdagang detalye na inilalabas hinggil sa pag-aresto sa ngayon.
Si Francis Leo Marcos ay nag-viral sa social media dahil sa mga umano ay pamimigay nito ng mga ginto at ‘Mayaman Challenge’.
Related news: Pilipino Star Ngayon, ABS-CBN, Philstar