Tinanggal na ngayong hapon, May 15, ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang Tropical Cyclone Wind Signal sa lalawigan ng Romblon habang patuloy na lumalayo sa probinsya ang bagyong #AmboPH.
Ayon sa Pagasa, nakataas nalang ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Kalinga, La Union, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, Tarlac, Nueva Ecija,Aurora, Pampanga, Bulacan, Rizal, Metro Manila, Laguna, the eastern portion of Pangasinan, the western portion of Isabela, Marinduque, at Batangas.
Signal #1 naman sa Cagayan including Babuyan Islands, Batanes, the rest of Pangasinan, Zambales, Bataan, Oriental Mindoro, Burias Island, the rest of Camarines Sur, the rest of Isabela, at sa northern portion ng Albay.
Huling namataan ng bureau ang bagyong Ambo kaninang ala-una ng hapon sa Kinagunan Ilaya, Quezon, taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 110km/h malapit sa gitna, at bugsong aabot sa 150 km/h.
Tinatahak nito ang Nortwest direction sa bilis na 20 km/h.
Wala namang naitalang pinsala ang bagyo sa lalawigan.