Hati rin ang opinyon ng mga netizens sa viral personality na si Norman Mangusin, aka Francis Leo Marcos matapos itong mag viral sa social media dahil sa pamimigay umano nito ng mga gold bars, at nitong huli sa kasagsagan ng pandemya ng coronavirus ay pamamahagi umano ng mga ayuda sa mga tao, sa kanyang tinatawag na ‘Mayaman Challenge’. Marami ang bumilib, at naging follower si Mangusin sa Facebook at YouTube na halos lumampas na nga sa isang milyon.
Subalit nitong Martes (May 19, 2020) ay nadakip ng Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) itong si Mangusin, kaugnay sa iba’t ibang kaso. Narito ang bahagi ng programang Tutok Erwin Tulfo 2.0 ni Mr. Erwin Tulfo kung saan ay kanyang tinalakay at inusisa ang mga isyu kaugnay kay Mangusin.
{facebook}https://www.facebook.com/erwintulforeal/videos/675300346586543{/facebook}
Ano nga ba ang katotohan sa kabila nito? Itong si Norman Mangusin ba ay isa lang na manloloko (scammer) o ito ay isang ordinaryong mayamang negosyante (ayon na rin sa sariling pagpapakilala nito) na tumutulong lamang sa mga tao?
Sa kabila ng umano ay pagtulong ni Mangusin katulad na lamang ng pamimigay umano ng mga sako-sako at tone-toneladang bigas, marami ring mga netizens ang hindi kumbinsido dahil bakit puro lamang umano ‘pagkarga’ ang video nito, sa halip na ‘pagdiskarga at aktwal na pamamahagi ng mga sako-sako at tone-toneladang bigas? Ganun pa man, marami ring mga netizens ang hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring naniniwla kay Mangusin na tumutulong lamang ito. Anila, di bale nang gumagawa ng kalokohan itong si Mangusin ang importante ay nakakatulong sya.
Dahil nasa NBI na rin ang mga kasong kinakaharap ni Mangusin ay ayoko na magtalakay sa detalye ng mga ito. Hintayin na lang din natin ang magiging resulta pa ng imbestigasyong isinasagawa ng NBI.
Sa huli, totoo pa rin ang kasabihang, ‘Hangga’t may taong nagpapaloko, ay mayroong taong ‘Manloloko’.
Related News: NBI files new raps vs. Norman Mangusin