Upang mas masiguro ng probinsya ng Romblon ang maayos na implementasyon sa pagpapauwi ng mga Romblomanon na stranded sa ibang probinsya dahil sa umiiral na community quarantine, nagtalaga si Governor Jose Riano ng mga contact persons na maaring tawagan ng mga Locally Stranded Individuals o LSIs.
Sa isang memorandum order na inilabas nitong ika-21 ng Mayo, binuo ng Gobernador ang grupo na tutulong sa mga LSIs na pangungunahan ng Office of the Governor.
“In order to implement an affective and organized transfer of LSIs, the province has created a team headed by the Office of the Governor, to assist LGUs in the systematic and coordinated cross-border movements of stranded individuals based on the guidelines set by NTF,” ayon sa memorandum order.
Itinalaga ni Governor Riano na contact person sina SP Rachel Bañares (09088956277), Chairman ng Committee on Health, Tourism and Legal Affairs; Ronald Geronimo (09479947500), Chief of Staff ng Office of the Governor; Col. Roseller Muros (romblonpdrr@gmail.com), hepe ng Romblon PDRRMO; Myla Festin Villegas (09085299209) at Sandi Patti Rodenas (09269516450 ng RITPO, Quezon City.