Pinaplano na ng Provincial Government ng Romblon na magpatayo ng Covid-19 Safety Laboratories sa probinsya ng Romblon na magiging lugar para pwedeng i-test ang mga suspected at probable Covid-19 patient.
Ito ang mga sinabi ni Governor Jose Riano nang makapanayam ni Rodne Galicha sa programang Humbak Ng Pag-uswag nitong Sabado sa Romblon news Network.
Aniya, pinag-uusapan na nila ang mga requirements na kailangan ng Department of Health para sa balak nilang ipatayong testing center.
Ang nasabing plano ay kasama rin sa ibinabang Executive Order ng Gobernador noong ika-30 ng Abril. Gayun rin ang balak ng Pamahalaang Panlalawigan na pagbili ng Polymerase chain reaction (PCR) machine at pag-train ng mga health workers para sa nasabing center.
Maliban rito, balak rin ng Pamahalaang Panlalawigan na bumili ng mga rapid test kits para naman ma-test ang mga pumapasok sa probinsya kagaya ng mga cargo handlers, at ang mga frontliners.
Ang opisina ni Congressman Eleandro Madrona ay balak rin bumili ng mga testing kits na balak rin nito ipamahagi sa iba’t ibang munisipyo ng Romblon.