Sa kainitan ng isyu sa pagpapasara ng NTC alinsunod sa Cease and Desist Order na inisyu nito sa ABS-CBN upang itigil ang operasyon, isa si Kim Chiu sa nagpahayag ng saloobin na tipong nagkarambola. Aniya, ‘…sa classroom may batas, bawal lumabas, oh bawal lumabas. Pero pag sinabi, pag nag comply ka na bawal na lumabas, pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo yung law ng classroom nyo at sinubmit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas…‘.
Dahil sa mga pahayag na ito ni Kim, umani sya ng kaliwa’t kanang batikos, kinutya, ginawan ng mga fake memes, halos inungkat ang personal na buhay, ibinaba ang pagkatao at naabot ng edukasyon nito na umano ay ‘graduate lang ito ng Bahay ni Kuya’ at iba’t iba pang pambu-bully.
Pinagtawanan lang ito ni Kim, at nag-apology pa sa publiko dahil sa kanyang mga pahayag na naging magulo. Aniya, nadala lamang umano sya ng kanyang emosyon. ‘Smile’ na lang ang sinukli ni Kim sa kanyang mga bullies, bashers, at haters.
Sa kabila ng pagtanggap at pagmuni-muni ni Kim, naisip na lang nyang gumawa ng isang music video, na ang titulo ay ‘Bawal Lumabas’ na umani na ng milyun-milyong views hanggang sa ibang bansa.
Sikat na sikat na ang video ni Kim, nagka-milyones pa tuloy s’ya.
Moral Lesson: May mga tao na masayang-masaya sa pagkakamali o pagdurusa ng iba. Sobrang mapanlait sa kapwa tao. May mga taong ang hihilig sumakay sa isyu. On the otherhand, may mga taong maayos pa rin ang ugali, marunong magdala ng sitwasyon, at positibo ang pananaw sa gitna ng negatibong sitwasyon.
Katulad ni Kim, ‘ika nga, she turned the negative into positive. ‘Yung mga bullies ni Kim, siguro kahit 100,000 pesos ay wala, pero si Kim nagkamal pa ng milyones, Nangangahulugang ang kapangitan ng ugali ng tao ay tiyak na walang gantimpala, samantalang biyaya naman ang hatid ng kagandahan asal at pagpapakumbaba.
Narito ang ‘Bawal Lumabas’ music video ni Kim.