Kung sa salitang Asi, ‘pahilas-hilas yang’, ganito ang naging tila ‘closing remarks’ ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa matapos ang web session ng Senado via webex nitong Martes, May 26, 2020. Tila abot-tenga ang ngiti ng senador matapos mabilis na natapos ang kanilang session. Aniya, “Sarap ng buhay. Sarap ng buhay. Ganito nalang tayo palagi ha?”
Paliwanag naman ng senador kung bakit nya ito nasabi, “Kasi mas mabilis ang talakayan ng bills kapag nakawebex kami at mas maaga matapos ang session. Tingin ko mas efficient ang session via webex basta maganda lang ang wifi signal ng attendees.”
Samantala, umani ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang naturang pahayag ng senador, na diumano ay ‘insensitive’ at hindi angkop sa kanya bilang senador, sa kabila na marami sa mga Pilipino ang kasalukuyang naghihirap sa buhay dahil sa pandemyang dulot ng coronavirus.
What’s your thought?
Related News: ‘Sarap ng buhay!’ Bato says Senate web sessions more efficient