Naghahanap umano si Pangulong Rodrigo Duterte ng papalit kay DOH Secretary Francisco T. Duque III sa gitna ng panawagan ng ilang mga myembro ng Senado at maraming sektor na magbitiw na ito sa pwesto. Ito’y ayon sa balitang lumabas sa Philippine Star ngayong araw, 25 May 2020.
Ang pagtanggal o kaya ay pagbitiw sa pwesto ni Duque ay maaaring hindi na umano patatagalin ng Pangulo sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.
Maraming sektor ang naniniwala na nawalan na ng kredibilidad si Duque na pamunuan ang laban ng bansa sa COVID-19, matapos pumutok ang isyu ng overpricing sa pagbili ng mga medical equipment ng DOH, na kaagad pinaiimbestigahan ng Pangulo.
Matatandaang maraming beses na rin nag flip-flop si Duque sa mga pronouncements nito, at kamakailan nga ay nagisa ng Senado kaugnay sa overpriced purchases ng mga medical equipment para sa laban ng bansa sa pandemya.
Sino naman kaya ang ipapalit ng Pangulo? Ikaw, meron ka bang suhestiyon kung sino?
Related News: Duterte scouting for new DOH chief?