Matapos umani ng pagpuna at magresulta sa pagkakalito ang dating pahayag ni DOH Sec. Francisco Duque III na ang bansa ay nasa second wave na ng coronavirus infections, humingi ng pasensya ang DOH nitong Webes sa isang online briefing na isinagawa ng nasabing ahensiya.
Sa nasabing online briefing, kinumpirma ni Special Assistant to the Health Secretary Beverly Ho na ang bansa ay nananatiling nasa first wave pa lamang ng coronavirus outbreak dulot ng local community transmission.
Kinumpirma rin ng DOH na ang local transmission ng coronavirus noon pa lang Marso, sa kaso ng mga Filiipinos na nahawa kahit wala ang mga ito na naunang exposure sa Covid-19 at wala ring pinakahuling pagbyahe sa ibang bansa.
Dagdag pa ni Ho, narating ng bansa ang ‘peak’ ng infection noong Marso 31, nang ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay lumubo sa 538.
Simula noon, ang pagtaas ng bilang ng infection kada araw ay umaabot sa average na 220, kung kaya’t ito ang dahilan kung bakit sinasabi ng DOH na nagsimula ng mag- flatten ang curve, dagdag pa ni Ho.
Sa kabila ng paghingi ng pasensya, umaasa rin ang DOH na ang nasabing confusion ay hindi maging pampagulo sa kanilang dapat gawin upang mabago ang takbo ng pandemya, sabi pa ni Ho, na tumutukoy sa social distancing at iba pang kailangang hakbang ng departamento upang mapigil ang pagkalat ng virus.
Ang bilang ng kaso ng coronavirus ay umabot na sa total na 13,434 nitong Webes, samantalang mayroon 3,000 total recoveries, at 846 naman ang mga namatay na.