Kinwestyon ni Senador Cynthia Villar ang pagbibigay ng gobyerno ng cash aid sa mga empleyado gayong may tinatanggap na sahod sa gitna ng lockdown dahil sa banta ng COVID-19.
“Bakit natin bibigyan ang mga taong kahit lockdown, may sweldo naman?” tanong ng senador sa panayam sa CNN.
Sa dami ng umaangal na hindi nakatanggap ng cash aid ay maaring hindi magtagumpay ang gobyerno sa hangarin nitong tulungan ang mga apektado ng lockdown.
Below Content Taboola
“Alam mo, kapag namimigay ka, kahit hindi kailangang bigyan, may humihingi,”
Nababahala din si Villar na kapag tinagalan pa ang Enhance Community Quarantine (ECQ) ay baka mas matinding kahirapan ang mamayani.
“Kapag tinagalan niyo pa ‘yang ECQ na ‘yan, baka hindi na tayo makabangon sa kahirapan. Dapat we should balance ‘yong ating health efforts at ang ating economic efforts. ‘pag bumagsak ang mga negosyo, wala ding magbabayad ng taxes,”ayon pa sa Senadora.
Binanggit din ni Villar ang pag-angal ng Las Piñas LGU sa dami ng inaayudahan.
“Hanggang kailan ka tatagal kung gagastos ka ng ₱135 million per month, hindi naman sila masaya na it did not go to the right person,” paliwanag pa nito.
Sa Las Piñas ay nakapagbigay aniya ng 270,000 relief packs para sa 600,000 populasyon kada linggo.
“There are 120,000 families if it’s an average of 5 members. Bakit nagrereklamo pa rin ang mga tao?”pang-uusisa pa ni Villar.
Kaugnay nito ay humingi si Villar ng kopya ng aktwal na listahan ng mga benepisyaryo ng Special Amelioration Program dahil walang hawak ang Las Piñas LGU.