Buong probinsya na ng Romblon na ang isinailalim ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa Tropical Cyclone Wind Signal #1 dahil sa bagyong #AmboPH, base sa weather bulletin na kanilang inilabas ngayong alas-11 ng umaga.
Signal #1 rin ang nakataas sa Metro Manila, Aurora, southern portion ng Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, ilang bahagi ng Quezon, Bataan, Pampanga at northern portion ng Leyte.
Signal #2 naman ang nakataas sa Marinduque, southern portion ng Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Burias Island, Masbate, Biliran, natitirang bahagi ng Samar at Eastern Samar.
Signal #3 naman ang nakataas sa Sorsogon, Albay, Ticao Island, Northern Samar, at northern portion ng Eastern Samat at Samar.
Si bagyong #AmboPH ay nasa layong 140km East Southeast ng Catarman, Northern Samar at inaasahang magla-landfall mamayang hapon bago tumungo ng Sorsogon mamayang gabi.
Taglay ng bagyong #AmboPH ang lakas na 150km/h malapit sa gitna, at 185 km/h na bugso ng hangin. Gumagalaw ito sa bilis na 15 km/h.
Bukas, inaasahang mararamdaman na ang bagyo sa Romblon at Marinduque kung saan makakaramdam ng moderate to heavy rainfall ayon sa Pagasa.