Sa kalagitnaan ng krisis dulot ng COVID-19 ay umalingawngaw ang idea ni Sen. Bong Go na ‘Balik Probinsiya Program’ na sa ngayon nga ay aprubado na ng Malacanang.
Bagamat maganda rin naman ang lohika sa likod ng nasabing programa, ang tanong ito nga ba talaga ay magagawa (feasible)? Mukhang hindi, maliban na lang kung –
May tinatawag na ‘root-cause’ kung bakit ang mga ‘ika nga ay probinsyano ay naninirahan sa Metro Manila o mga syudad kung saan naroon ang urbanisasyon, dahil syempre naroon ang hanap-buhay. Sa probinsya nga naman, maliban sa mga iilan na trabaho sa mga opisina ng gobyerno at pribadong kumpanya, pagsasaka at pangingisda na ang karaniwang hanap-buhay ng mga tao. Libo-libong mga estudyante ang nagtatapos sa mga kolehiyo kada taon na syempre ang sunod nilang hakbang ay maghanap ng trabaho. Kaso hindi sapat ang mga job vacancies sa kani-kanilang mga probinsya. Samakatuwid, ang pinaka ugat ng pagluwas ng mga probinsyano sa metropolis ay upang maghanap ng trabaho na wala naman sa kanilang probinsiya.
Maraming restrictions sa probinsya para sa urbanisasyon nito, isa na dyan ang pagbabawal sa conversion ng mga agricultural lands sa either commercial or industrial use. For sure, napapaloob na sa CLUP ng mga munisipyo at probinsya ang ordinasa ukol sa land use at zoning nito. Kumbaga, bago maging handa ang probisya sa programa, maraming mga ‘internal issues and concerns’ ang dapat muna na resolbahin bilang bahagi ng kahandaan nito na magbigay ng mga trabaho sa mga konstitwente. Nariyan ang kawalan ng sapat na infrastructure sa transportasyon, komunikasyon at teknolohiya. isa pang problema ang pagiging ‘archipelagic’ ng mga probinsya.
Isama pa natin sa limitasyon kung papaano kukumbinsihin ng pamahalaan ang mga negosyate na sa probinsya magtayo ng kanilang mga planta o opisina, kung sa kanilang pag-aaral naman ay hindi ito magandang stratehiya. Of course hindi naman talaga lahat ng probinsya ay strategic para sa isang uri ng negosyo.
Ganun pa man, ang programa kung titingnan sa ‘long term’ na perspective at laanan ng sapat ng pundo ng gobyerno para sa urbanisasyon ay maganda. Sa aking tantya, aabot ng pinakamababa sa 10 taon mula ngayon upang maging lubos na handa ang mga probinsya kung bibigyan ng sapat ng pundo ng pamahalaan ang urbanisasyon nito. Sigurado, napakalaking budget ang kailangan dito ng gobyerno.