Arestado nitong ika-5 ng Abril ang walo katao sa bayan ng Looc, Romblon na naabutan ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station iligal na nagpapasabong ng manok sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine ng pamahalaan.
Sa ulat ng Looc Municipal Police Station na nakarating sa opisina ni Police Lt. Col. Raquel Martinez, spokeperson ng Romblon Police Provincial Office, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na nagkakaroon ng patupada as Sitio Ambulong, Brgy. Limon Sur, Looc, Romblon ang ilang kalalakihan.
Pagdating ng mga operatiba ng Looc Municipal Police Station at Provincial Mobile Force Company sa lugar, naaktuhan nila ang mga kalalakihan ngunit agad kumaripas ng takbo ang mga suspek hanggang sa naabutan ng mga otoridad ang isa sa kanila na kinilalang si Orbin Pastor.
Matapos ikanta ni Pastor ang kanyang mga kasama, agad na nagsagawa ng continuous pursuit operations ang Looc Municipal Police Station at Provincial Mobile Force Company na naging dahilan naman kung bakit naaresto ang pitong iba pa na kinilalang sina: Rene Aguire, Israel Castillo, Randy Merque, Joseph Fontelo, Benjie Cezar, Ricky Gregorio, at Eddie Gajisan.
Nakakulong na ngayon ang walo sa Looc Municipal Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602