Natanggap na nitong Lunes ang mga gamit para sa mga medical frontliners na pinadala ni Vice President Leni Robredo sa mga ospital at Rural Health Unit sa lalawigan ng Romblon.
Sa request nina Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic at John Mark Forcado, nabigyan ang Romblon ng mga Personal Protective Equipment (PPE) katulad ng surgical gowns, N95 at surgical face masks, alcohols, medical gloves at face shields.
Ang mga nasabing gamit ay naipamahagi na sa mga Rural Health Unit sa bayan ng Concepcion, Sta. Maria, Odiongan; at sa mga government hospital naman sa bayan ng Odiongan, Looc, at Cajidiocan.
Nabili ang mga nasabing PPE sa tulong ng mga donation na natanggap ng ‘Kaya Natin’, partner ng Angay Buhay program at mula sa iniambag ng Office of the Vice President.
Sa pahayag ng Bise Presidente noong nakaraang buwan, sinabi nito na patuloy ang kanilang pagsisikap na tukuyin, paglaanan ng ayuda, at puntahan ang mga frontliners ngayong panahon ng kagipit.