Sa bisa ng isang resolution, napagkasunduan ng League of Municipalities of the Philippines – Romblon chapter na kansehalhin na muna ang lahat ng pagdiriwang ng mga kapistahan sa lalawigan ng Romblon hanggang December 31, 2020 dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.
Ayon kay Romblon mayor at LMP-Romblon president Gerard Montojo, ang lahat ng gagastusin dapat para sa mga natitirang kapiyestahan ngayong 2020 ay gagamitin nalang para tulungan ang mga pamilyang apektado ng Covid-19 crises sa lalawigan.
Ang nasabing resolution ay ipinasa matapos ang 2nd Defeat Covid-19 Task Force meeting sa Odiongan, Romblon nitong Lunes, April 13.
Suportado rin ni Congressman Eleandro Madrona ang nasabing desisyon ng mga alkalde.
“Ang desiyon na nabuo natin dito, na kanselahin nalang ang mga pagdiriwang ng mga kapiyestahan hanggang December 31… Instead na mag-fiesta ang mga LGUs na merong budget, i-reallign nila at idagdag nalang sa itutulong nila sa kanilang mga constintuents,” ayon kay Madrona na dumalo rin sa 2nd Defeat Covid-19 Task Force meeting.
Nagbigay rin ng suhestiyon si Madrona na magsagawa nalang ng simpleng mass kesi magsagawa ng malaking pagtitipon na may kaugnayan sa isang piyesta.
Samantala, sa huling taya ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit, nanatiling isa ang kaso ng Covid-19 sa lalawigan at ito ay kasalukuyang naka-admit sa isang pampublikong ospital sa Aklan.