Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Romblon pasado 9:44 nitong gabi ng April 7.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 18k NW ng Santa Fe, Romblon.
Tectonic ang pinagmnulan ng lindol na may lalim na 24km.
ADVERTISEMENT
Hindi inaasahang ng ahensya na magkakaroon ng aftershock dahil sa nasabing lindol.
Ayon pa sa Phivolcs, wala naman umanong inaasahang magiging pinsala ang nasabing pagyanig.



































