Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na ilipat ang pagbubukas ng klase sa September sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
“Iyong option po sa low-risk to moderate areas na buksan by industry, consider for 100 percent closure maski po low to moderate risk consider for 100 percent closure pa rin dahil po ang mga transmitters ay kabataan mula edad 0 to 20. Lahat ng eskwelahan, i-consider po ang late opening sa Setyembre except po sa online learning,” ayon sa pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque sa dzBB.
Samantala, ang Higher Education Institutions sa ilalim ng GCQ ay maaring tapusin ang academic year at mag-issue ng credential sa mga students.
Wala pang pahayag ang Department of Education kaugnay rito.