Inabot ng tulong ng pamunuan ng Marinduque State College (MSC) sa pamumuno ni Dr. Merian C. Mani, SUC President III ang mga guro at estudyanteng Romblomanon na nagtatrabaho at nag-aaral sa Marinduque na apektado rin ng Luzon-wide Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa coronavirus disease 2019 (Covid-19)
Nagpadala ng mga grocery food packs at mga bigas ang pamunuan ng MSC bilang bahagi ng kanilang “Kalinga on Wheels”, programang inilunsad kamakailan upang maghatid ng tulong sa mga frontliners, vulnerable sector at mga mamamayan na apektado ng Covid-19 at ECQ.
Masaya silang tinanggap ng mga Romblomanon ang ayuda mula sa MSC at nagpaabot rin ng pasasalamat sa pamunuan.