Isasailalim sa general community quarantine (GCQ) ang lalawigan ng Romblon simula May 1, pagkatapos ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ).
Isa ang lalawigan ng Romblon sa mga lugar na nasa low-risk areas sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 o Covid-19, kasama ang Palawan sa rehiyon ng Mimaropa.
“Ang lahat ng probinsya na di mananatili ang ECQ ay mapapasama sa new normal na tinatawag na general community quarantine,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque nitong Biyernes.
Batay sa guidelines na inparubahan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), papayagan ng lumabas ang publiko mula sa kanilang mga bahay para bumili ng mga basic necessities ngunit ang mga edad 20 pababa at 60 pataas ay hindi makakalabas.
Inatasan rin ang mga local government unit na magpatupad parin ng curfew sa gabi para sa mga hindi kailangang magtrabaho ng gabi.
Papayagan namang magkaroon ng 100% operation ang mga agriculture, fisheries, and forestry sectors, food manunfacturing and all supply chains, including ink, packaging and raw materials, supermarkets, hospitals, logistics, water, energy, internet, telecommunications, at media.
50-100% operation naman para sa manufacturing, electronics and exports, e-commerce, and delivery for essential and non-essential items, repair and maintenance services, housing, at office services.
50% onsite at 50% work from home naman para sa mga financial services, business process outsourcing (BPO), non-leisure wholesale and retail trade, and other non-leisure services.
Mananatili namang sarado ang mga paaralan, liesure, gaming, fitness, kid industry, tourism, all gatherings including religous conferences at iba pa, limited rin ang opening ng malls at ang construction.
Ang mass transportation katulad ng mga tricycle, jeep, vans ay papayagan ng bumiyahe ngunit nasa limited capacity lamang.
Tangi namang mga goods lamang ang papayagan na mag-operate sa mga airports at seaports.