Iimbestigahan ng Department of Social Welfare and Development – Mimaropa ang mga reklamong kanilang natatanggap sa kanilang hotline kaugnay sa social amelioration program (SAP) ng pamahalaan kabilang ang mga pamilyang nakatanggap ng ayuda kahit hindi naman kwalipikado.
Sa panayam kay Chatty Decena, tagapagsalita ng ahensya sa rehiyon, sinabi nito na nakapaloob sa merandum circular 09 ng kanilang ahensya na ang mga hindi karapat-dapat na benepisyaryo na nakatanggap ng ayuda ay maaring maharap sa reklamo at mai-refund ang naibigay na ayuda.
Sa bisa rin ng modified guidelines ng DSWD, magsasagawa na ng validation sa regional level ng sa mga nakatanggap ng SAP para makita kung may mga benepisyaryo na nakatanggap ng dalawang ayuda katulad halimbawa ng mga 4Ps members na nakatanggap parin ng P5,000 cash grant hiwalay sa pera na natanggap nito sa kanilang cash cards.
Ang mga mapapatunayan na nagdoble ang natanggap na ayuda ay tatanggalin na sa listahan ng mga makakatanggap ng social amelioration subsidy sa susunod na mga buwan.
Base sa guidelines ng ahensya, ang qualified lamang sa ayuda ng SAP ay mga 4Ps kung saan makakatanggap sila ng P3,650 sa kanilang cash card; mga pamilyang low income earner kung saan isa sa miyembro ng kanilang pamilya ay may directly hired o occasional workers katulad ng laundry maids; subcontracted workers; homeworkers katulad ng mga mananahi at online sellers; house helpers; driver ng mga PUV kasama ang angkas, joyride at moveit; driver ng mga TODA; mga sari-sari store operators; mga may famiily enterprise katulad ng mga may-ari ng carinderia, fruit/vegetable vendor, street vendors, RTW; mga sub-minimum wage earners, mga magsasaka at mangingisdsa na hindi pasok sa SAP ng Department of Agriculture; at mga stranded workers.
Pasok rin rito ang mga indigent families katulad ng IPs at underprivileged and homeless individuals; mga distress na OFW, at iba pang vulnerable groups.
Hinihikayat ng DSWD-Mimaropa ang mga mayreklamo na kontakin sila sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Email: sap.fomimaropa@dswd.gov.ph
Call only: 09982263646
Text only: 09395024258 at 09162525799
Mas mainam umanong ilagay sa mga inyong mga mensahe ang inyong pangalan, pangalan ng inyong inirereklamo, nakakasakop na barangay at bayan, at anong uri ng reklamo.