Sinimulan ng ipadala sa bayan ng San Jose, Romblon ngayong araw ang ayuda ng Provincial Government para sa mga pamilyang apektado ng enhanced community quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 o Covid-19.
Ayon kay Governor Jose Riano, dala ng mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kaninang umaga sakay ng bangka galing Romblon, Romblon ang may aabot sa 561 na sako ng bigas, at 280 box na sardinas.
“Hindi kasya sa One Romblon ang buong ayuda kung kaya’t unti unti natin itong ibabyahe hanggang ito ay makumpleto. Pagpalain nawa ng Panginoon ang magandang byahe ng One Romblon ang ating crew at mga tao ng PDRRMO at PSWDO na naghatid ng mga ayuda,” ayo sa Gobernador.
Ito umano ay unang batch palang ng tulong ng provincial government sa bayan ng San Jose.
Maliban sa ipinadalang tulong ng Provincial Government, nagpadala rin umano ng aabot sa 100 sako ng bigas si Congressman Eleandro Madrona patungo rin sa parehong bayan.