Walong (8) patients under investigation (PUI) sa lalawigan ng Romblon ang nag negatibo sa kanilang Covid-19 test, base sa resulta na inilabas ngayong hating gabi ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit.
Kabilang sa mga nag negatibo ay ang isang PUI sa Odiongan, dalawang PUI sa Ferrol at San Fernando na naka-admit sa Romblon Provincial Hospital (RPH), isang PUI ng Alcantara na naka-admit sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital, dalawang PUI sa San Jose, at dalawang PUI sa Santa Maria.
Ang mga resulta ay dumating ngayong gabi mula sa San Lazaro Hospital Testing Facility at sa Research Institute for Tropical Medicine.
Ayon sa Provincial DOH Office sa Romblon, limang resulta pa ang kanilang hinihintay mula sa mga nabanggit na testing facility.
Matatandaang Biyernes, April 17, nang magsimula ang kanilang mass testing sa Romblon kung saan 12 ang kinunan nila ng Swab Samples. Lunes naman pinadala ang swab test ng isa pang PUI mula naman sa Sta. Fe na kasalukuyang naka-admit sa RPH.
Base sa huling taya ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit, nanatiling isa ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa lalawigan, at bumaba na sa 5 ang binabantayang PUI rito.