Pasado na sa Sangguniang Bayan ng Odiongan ang ordinansang nagbabawal sa pagpapakalat ng fake news na posibleng maging dahilan ng panic tuwing panahon ng crises at sakuna katulad nitong problema sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Ayon sa bagong ordinansa, paparusahan ang sinumang maglalahathala ng mali, hindi kumpirmado, at lumang balita at impormasyon sa print, radio, television, at online kaugnay sa mga panganib, emergency, krisis, sakuna, at iba pang kahalintulad na pangyayari sa bayan.
Maliban rito, sinabi rin ng ordinansa na ikukunsidera rin na fake news ang paglalabas ng mga unofficial o unfinalized government decisions na hindi pa otorisado ng isang ahensya.
Layunin di umano ng ordinansa na maiwasan ang panic ng tao dahil sa mga maling kumakalat na impormasyon lalo na sa social media.
Ang sinumang mapapatunayang lalabag sa nasabing ordinansa ay papatawan ng P2,500 na multa.