Tiklo sa pinagsamang pwersa ng mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Sta. Fe at CGSS Looc ang walong mangingisda na iligal na gumagamit ng compressor habang nangingisda sa karagatang sakop ng Santa Fe, Romblon nitong March 16.
Ayon sa ulat ng CGSS Sta. Fe, nakatanggap sila ng ulat na may dalawang bangka na iligal na nangingisda sa lugar kaya agad silang nakipag-ugnayan sa CGSS Looc para puntahan ang nasabing mga mangingisda.
Dito na nila naaresto ang walo na naaktuhan nilang gumagamit ng isang compressor.
Nakuha sa kanila ang 4 spear gun, 3 kapay, 3 flashlight, 1 pabigat, 3 google, 290 ft na long hose, 2 set ng compressor, at mga isda.
Matapos madala sa bayan ng Sta. Fe, agad silang itinurn-over sa Santa Fe Municipal Police Station para masampahan ng paglabag sa isang local ordinance ng bayan.