Simula ngayong alas-8 ng gabi ay magpapatupad ng curfew ang lahat ng bayan sa Tablas Island, Romblon alinsunod sa isang joint executive order ng 9 na alkalde na binuo nitong Sabado sa bayan ng Odiongan.
Base sa order, matatapos ang curfew pagpatak ng alas-4 ng madaling araw kinabukasan.
Kasama sa mga pagbabawalan lumabas ng kanilang bahay ang lahat ng tao na kasalukuyang nasa isla.
Mag-iikot at maglalatag ng checkpoints ang mga tauhan ng Romblon Police Provincial Office para sitahin ang lahat ng lalabag sa kautusan.
Samantala, hindi kasama sa pagbabawalang lumabas ang mga miyembro ng task force o grupo na nagpapatupad ng mga hakbang sa Covid-19 katulad ng mga health practioners, uniformed personels, barangay officials.
Hindi rin kasama sa curfew ang mga nagtatrabaho tuwing gabi katulad ng mga butchers ng baboy, at mga market vendors na kailangang pumunta ng maaga sa kanilang pwesto sa palengke.
May parehong curfew rin ang ipatutupad simula ngayong gabi sa island municipality naman ng Corcuera.