Kinumpirma ng Department of Health – Mimaropa na isang lalaki sa bayan ng Romblon, Romblon ang napabilang sa listahan ng patient under investigation (PUI) dahil sa banta ng coronavirus o COVID-19.
Batay sa datus ng DOH-Mimaropa, mula sa 1 na PUI sa Palawan, nadagdagan ito ng 2 PUI mula naman sa probinsya ng Romblon at Marinduque.
Ayon sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit, ang nasabing lalaki ay kasalukuyang naka-admit sa ospital sa bayan ng Romblon, Romblon at binabantayan.
Nagkaroon umano siya ng travel history sa Malate, Manila at nagkaroon ng lagnat pag-uwi ng Romblon, Romblon.
Kinuhaan na umano siya ng specimen at ipinadala na sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para suriin.
Sa pangkahalatan, may 18 PUI na ang naitala ang ahensya, at 15 rito ay dischared na.
Paalala ng Department of Health, sundin parin ang kanilang mga paalala na mas makakaiwas sa nasabing virus sa pamamagitan ng tamang paghugas ng kamay, at pagkakaroon ng tamang etiquette kapag umuubo at bumabahing.