Pinulong nitong Huwebes ni Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic kasama ang Department of Trade and Industry – Romblon, ang lahat ng drugs store at grocery store owners sa buong bayan ng Odiongan kasunod ng pagkaubos ng supply ng ilang medical supplies na makakatulong sana sa pagiwas sa 2019 novel coronavirus o COVID-19.
Sa mensahe ng alkalde sa harap ng mga store owners, sinabi nito na tutulong sila sa mga owners na maghanap ng supplier ng alcohol, at facemasks para makasigurong may-supply ng mga ito sa bayan.
Ayon sa mga may-ari, wala na umanong supply sa ngayon ang mga ng nabanggit maliban sa gloves ngunit may ilang tindahan naman umanong magkakaroon ng dagdag supply sa susunod na mga araw kagaya ng alcohol.
Miyerkules pa ng umaga naubos ang supply ng alcohol at hand sanitizers sa bayan kasunod ng napabalitang pagdami ng kaso ng covid-19 sa Metro Manila.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Grace Hidalgo, tagapagsalita ng Department of Trade and Industry – Romblon na kasalukuyang nasa price freeze ang mga pangunahing bilihni sa bansa kasunod ng pagdeklara ni Pangulong Duterte ng public health emergency dahil parin sa Covid-19.
“Kung ano average price ng mga pangunahing bilihin sa loob ng 3 buwan, ‘yung po ang ating susundin,” ayon kay Hidalgo.