Dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus, napagdesisyunan ng League of Municipalities of the Philippines Romblon Chapter (LMP Romblon) na kanselahin ang mga nakatakdang malalaking pagtitipon sa buong lalawigan ng Romblon kasama na ang mga festivals.
Sa bisa ito ng isang resolution na inaprubahan sa kanilang pagpupulong ngayong araw sa Metro Manila.
Ang LMP Romblon ay binubuo ng mga alkalde ng 17 bayan sa buong lalawigan.
Kasama sa mga kinansela ay ang nalalapit na pagdiriwang ng Kanidugan Festival sa bayan ng Odiongan at ang 100th founding anniversary ng bayan ng San Andres, Romblon.
Ayon kay Mayor Trina Firmalo-Fabic, alkalde ng bayan ng Odiongan, hindi kabilang sa kanselasyon ang religious activities kagaya ng mga mass; at iba pang sports activities basta walang imported players mula sa ibang probinsya.
“If the situation improves in the next few months we can consider holding some of the events and activities in the future,” pagsisiguro ng alkalde.