Magbibigay ng libreng online consultation ang ISIAH Hospital and Medical Center para sa mga pasyenteng hindi makalabas ng bahay dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.
Ayon sa Dr. Jacquelyn Dimaala, maaring makipag-ugnayan sa kanila ang mga pasyente tuwing Lunes hanggang Sabado simula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Ang gagawin lang umano ng pasyente, tatawag lang umano sa numero ng ospital na 0909-967-0808 kung saan kakausapin sila ng mga naka-duty na nurse par amakunan ng medical records.
Matapos na makausap ng Doctor, at kung kailangang resetahan, ipapadala ito sa pamamagitan ng Facebook messenger, Viber, or Email alinsunod umano sa patakaran ng Food and Drug Administration (FDA).
“Sa ganitong paraang ay maiiwasan natin ang lumabag sa quarantine at maiiwasan pa ang posibleng pagka-hawa at pagka-expose sa Covid-19,” ayon kay Dr. Dimaala.