Inanunsyo ni Governor Jose Riano sa pagpupulong ng Provincial Health Board nitong Biyernes sa Romblon, Romblon na kanya ng ipinag-utos ang pagsuspende ng klase sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa buong lalawigan ng Romblon sa susunod na semana, March 16-20.
Wala ring pasok ang lahat ng pampublikong opisina sa buong lalawigan, kasama ang national agencies at local government unit, ngunit kailangan nilang maglagay ng skeletal workforce para patuloy na maihatid sa publiko ang basic government services.
Samantala, ang pag suspende naman ng pasok sa mga private offices at establishments ay ibinibigay ang discretion sa kanilang mga head/owners.
Ang nasabing pag suspended ng trabaho at klase ay para makapag sagawa ng cleaning at dis-infecting sa lahat ng opisina, at bahay bilang paghahanda at para makaiwas sa pagpasok at pagkalat ng 2019 novel coronavirus o COVID-19.