Itinaas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alert level code ng 2019 coronavirus disease o COVID-19 sa bansa mula Code Red Sublevel 1 patungo sa Sublevel 2.
Ang nasabing desisyon ay base sa napagkasunduan sa ginanap na pagpupulong ngayong araw ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) at inaprubahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes ng gabi.
Ibig sabihin, may ibedensya na ng community transmission ng COVID-19 sa ilang bahagi ng bansa.
Matatandaang itinaas ng Department of Health (DOH) ang Code Red Sublevel 1 noong Sabado kasunod ng naiulat ang kauna-unahang local transmission ng 2019 coronavirus disease sa bansa.
Sa ngayon, aabot na sa 52 ang kasong naitala ng DOH sa bansa kung saan 5 rito ang namatay.