Malaking pinsala talaga sa buhay ng tao, negosyo at ekonomiya ang dulot nitong Covid-19. Nakakaawa lalo sa mga bansang mas matindi ang naging pinsala sa ngayon tulad halimbawa ng Italy, Spain, China, at US. Sa ngayon ay nananatiling wala pa ring aprobadong bakuna para sa naturang virus, maliban sa mga bitamina o gamot na nagpapalakas sa ating immune system.
Para makontrol ang pagkalat at paghawa ng covid-19, halos lahat ng yunit ng gobyerno sa buong mundo ay iisa at pareho ang stratehiya at paraan na ginagawa, tulad na lamang ng pagtakda ng home o community quarantine and self-isolation.
Kapag pinag-usapan ang ‘virus’ maging ang computer system ay mayroon ring virus na pumipinsala sa operating system at mga files ng computer. Kung tutuusin, may pareho silang pattern sa pagkalat at pagkontrol o disinfection nito at kung papaano ito maiiwasan sa hinaharap.
Nature ng corona virus at computer virus
Ang corona virus ay maaring natural, o maraming mga theory o haka-haka na ito umano ay biowarfare – meaning sinadya na gawin. Well, ‘wag na nating isipin ung sinadya kundi ‘natural’ na lang, whatever. Ang malaking kaibahan ng computer virus, ito ay 100% sinadyang gawin dahil kung tutuusin, ang computer virus ay isa ring computer program – meaning sinadya itong gawin ng isang computer programmer.
Pinsala
Iisa din lang ang direksyon ng pinsala ng parehong viruses – ang sirain ang isang sistema o buhay. Kapag ang virus ay sinadya katulad ng mga computer viruses, ang ibang virus programmers ay may mas malalim na dahilan, tulad na lamang ng pagkakaperahan sa likod nito. Halimbawa, very popular sa ngayon ang mga tinatawag na ‘ransomware’ – isang klase ito ng computer virus na ang gagawin ay e encrypt ang mga files ng user at sisingilin ang user ng kabayaran (tulad ng ransom) para e decrypt ulit ito. So, ang corona virus ba ay maaaring ganun din kung sinadaya nga ito na gawin at ipakalat ng kung sinuman? ‘Yan naman ay mga haka-haka lang, at ewan lalabas din yan ang katotohanan sa takdang panahon.
Pagkalat o pagkakahawa-hawa
Ang corona virus at computer virus ay pareho lang ang pattern ng pagkalat. Ang covid-19 halimbawa, ayon sa report ng mga eksperto at mga kinauukulan ay kumakalat sa pamamagitan ng medium mula sa infected na tao tulad ng droplets galing sa pag bahin o pag-ubo ng isang taong infected. Ang droplets na ito ay maaaring direktang malanghap o kaya ay tatama sa surfaces ng mga bagay at mahahawakan ng isang tao at maipapahid o maididikit sa kanyang ilong, mata, o bunganga.
Ganun din naman sa computer virus. Ang computer virus ay humahawa sa isa pang malinis na computer sa pamamagitan din ng mga media na infected, tulad na lamang ng mga paggamit ng mga infected flash drive or external drive, o through the internet.
Paano makontrol ang pagkalat ng virus infection?
Corona o computer virus man, iisa pa rin ang pattern ng pagkontrol sa pagkalat ng kanilang infection. Ito ay ang mga sumusunod:
- Isolation and disconnection from the network. Sa computer virus, kinakailangang e disconnect sa network ang computer na infected ng virus para di ito mag simulate at mag infect sa iba pang malinis na computer sa network. Ito ngayon ang ginagawa natin sa Covid-19, pinapa self quarantine tayo o self isolation sa bahay para di tayo mahawa o makahawa sa iba pa. Kinakailangang tayo ay mag disconnect muna sa iba pa, kaya nga nandyan ung pinapag social distancing tayo.
- Ititigal muna ang paggamit ng infected na computer, maliban sa mga analaysis, backup at virus scanning na gagawin. Kinakailangan itong gawin upang matukoy kaagad kung ano ang virus na nag infect at mascan ito, ma -quarantine o madisinfect sa pamamagitan ng isang epektibong ant-virus scanner. Ganun din sa covid-19, kaya nga stay at home muna, tigil muna sa trabaho, tigil muna ang paglabas sa bahay.
- Tutukuyin kung saan nanggaling ang virus nang sa gayon ay maagapan din ang pagkahawa ng iba. Kung ang virus ay nanggaling sa isang flash drive, di na ito dapat gamitin sa iba pang computer. Kadalasan, kahit hindi pa tukoy, ay mas mabuting ‘wag na munang gumamit ng mga flashdrive sa ibang computer hangga’t hindi pa nalalaman ang sanhi ng pagkaka virus sa naunang computer at nagkaroon na ng epektibong disinfectant o anti-virus nito. See, ganun din yan sa corona virus, kaya tinutukoy natin kung sino ung PUI at PUM, at pinagse-self quarantine muna baka makahawa pa sa iba.
- Anti-Virus scanner. Kinakailangng gumamit ng epektibo at updated na anti-virus scanner para ma disinfect ang virus sa computer. Minsan, kapag bagong gawa o labas ang computer virus ay wala pa ito sa database ng mga anti-virus, meaning hindi ito madi-disinfect for the time being until madiscover na ng mga anti-virus companies at mailagay sa kanilang update ang nasabing bagong virus, saka pa lang ito madidisinfect.
- Paano na ang mga files na infected? Kung tlagang wala pang epektibong anti-virus scanner, hayaan na lang muna ang mga files na infected sa drive nito, darating din ang araw na lalabas na ang epektibong anti-virus para rito. Ang iba ay magre-resort sa pag reformat na lang ang hard disk at mag reinstall ng operating system, pwede rin naman sana ito, kaso once nareformat na ang iyong hard disk wala ka ng pag-asang makuha pa ang mga importante mong files. Ang problema ngayon ay paano kung importante yung mga files halimbawa sa trabaho o mga proyekto? Naku, kung ganyan nga sitwasyon ay maaaring mapabayad ng ransom – in this case nanalo yung cyber criminal na nag program ng nasabing virus para magkapera at ikaw ay nabiktima, naperahan pa.
- Backup files. Dahil hindi tayo sigurado sa lakas ng ating computer securities, maaari itong ma virus anytime, kaya dapat lagi tayong may backup ng ating mga mahahalagang files. Pareho din yan sa corona virus, ang ating health system, gobyerno at tayo mismo sa household ay dapat laging may backup plan, laging dapat may nakahandang plano at aksyon sa oras na katulad nitong delubyong dala ni covid-19.