Opisyal ng kinansela ng Cebu Pacific ang kanilang biyahe patungong ng Tablas Island, Romblon galing Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City, dahil sa ipatutupad na community quarantine ng Metro Manila mamayang hatinggabi kasunod ng pagtaas sa emergency Code Red Sublevel 2 sa bansa.Code Red Sublevel 2 sa bansa.
Ayon sa pinadalang sulat sa Civil Aviation Authority of the Philippines – Romblon ng 1Aviation, may hawak sa Cebu Pacific, sinabi nila na hindi muna babiyahe mula March 15 hanggang April 14 ang Cabgo Flight DG 6073 at 6074. Ang nasabing eroplano ay may biyahe tuwing Miyerkules, Biyernes at Linggo.
Matatandaang sinabi noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘Land, domestic air, and domestic sea travel to and from Metro Manila shall be suspended after beginning March 15, 2020 and to end on April 14, 2020, alas dose subject to the daily review of the Inter-Agency Task Force’.
Dahil sa pagkansela ng biyahe, nagkaroon ng pagkakataon ang mga tauhan ng CAAP-Romblno na makapag-disinfect ng buong airport terminal gayun rin sa kanilang opisina ngayong araw.