Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang televised announcement na simula March 15 ay isusupende na ang biyahe ng bus, barko, at eroplano papasok at palabas ng Metro Manila kasunod ng pagdami ng kaso ng 2019 novel coronavirus o COVID-19. Magtatagal ito hanggang April 14, 2020, ngunit araw-araw na irereview.
“Land, domestic air, and domestic sea travel to and from Metro Manila shall be suspended after beginning March 15, 2020 and to end on April 14, 2020, alas dose subject to the daily review of the Inter-Agency Task Force,” ayon sa Pangulo.
“The crisis is very, very clear,” dagdag pa niya.
Sa mensahe ni Duterte, hiniling nito sa publiko na sumunod sa mga kautusan ng gobyerno para malabanan ang nasabing sakit.
Aniya, ginagawa ng gobyerno ang lahat para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.