Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Santa Fe Municipal Police Station sa napaulat na sunod-sunod na nakawan sa bayan ng Santa Fe nitong nakalipas na mga araw.
Sa ulat ng Eagle News nitong ika-26 ng Pebrero, sinabi ng Santa Fe Municipal Police Station na posibleng mga grupo ng mga kabataan ang sangkot sa nakawan sa ilang tindahan.
Nitong nakalipas na mga araw, may 5 tindahan sa Poblacion na ang nilloban ng mga salarin kung saan tinatayang aabot sa halos P30,000 na pera at mga produkto ang natangay ng mga kawatan.
Sinabi rin ng Santa Fe Municipal Police Station na handa silang makipagtulungan sa mga store owners para sa ikahuhuli ng suspek.