Hindi magpapadala ng mga manlalaro ang Puerto Princesa City sa gaganaping MIMAROPA Regional Athletic Association (RAA) meet sa Romblon sa susunod na buwan bilang bahagi umano sa pag-iingat sa novel coronavirus.
Base sa ulat ng Palawan News, nakipag-ugnayan na umano si City administrator Atty. Arnel Pedrosa sa Department of Education (DepEd) kaugnay sa desisyon nila.
Ang nasabing desisyon na hindi makilahok sa athletic meet ay base sa rekomendasyon Dr. Ric Panganiban ng City Health Office (CHO).
“The participation of our athletes in the MIMAROPA Regional Athletic Association on March 8, 2020, is hereby canceled. The city will no longer send its delegation to the said [regional] meet. Public biddings for the procurement of goods and services for the purpose is also canceled,” ayon sa sulat ni Pedrosa.
Ang MIMAROPARAA 2020 ay gaganapin sa bayan ng Romblon, Romblon sa March 8 hanggang 13.