Upang mas mapataas ang morale ng mga kapulisan ng Romblon Police Provincial Office, personal na tumungo ng lalawigan ng Romblon si Police Brigadier General Nicerio Obaob, Regional Director ng Police Regional Office – Mimaropa nitong ika-30 ng Enero.
Kinausap ni Brigadier General Obaob ang mga kapulisan sa harap ng opisina ng Romblon PPO kung saan ginanap ang maikling programang ‘Talk to the men’.
Kasama ni PBGen. Obaob na humarap sa mga pulis ng Romblon si Police Col. Arvin Molina, ang Provincial Director ng Romblon PPO.
Matapos ito, nakipagpulong si PBGen. Obaob sa mga opisyal ng Romblon PPO kasama ang mga hepe ng iba’t ibang Municipal Police Station sa buong probinsya.
Samantala, pinangunahan rin ni PBGen. Obaob ang pagbibigay ng Medalya ng Papuri kina PSMS Chesyl Garcia, PSMS Ana Marie Soleda, PSSg Ruby Joy Severo at PCpl Ephraim Fabila dahil sa pagiging efficient, loyal, at devoted sa PRO Mimaropa sa pamamagitan ng kanilang good deeds activities.
Sa mensahe ni PBGen. Obaob sa mga kapulisan, pinaalala niya na mahalin nila ang trabaho, at mas paigtingin ang peace and order sa buong lalawigan ng Romblon.
Pinaalala niya rin sa Romblon PPO na ipagpatuloy ang ginagawang internatl cleansing at anti-illegal drugs activity sa buong probinsya.