Kinansela ng grupong Philippine Medical Association of Michigan ang nakatakda nilang medical mission sa Romblon Provincial Hospital sa darating sanang February 10-13, 2020.
Sa sulat na pinadala ng grupo kay Governor Jose Riano, sinabi nilang ililipat nalang nila sa mas magandang panahon ang nasabing medical mission.
“It is an unforeseen event and we are all disappointed and saddened that we have to cancel the mission to another safer date,” ayon sa grupo.
Tinukoy rin nila na ang pagkalat ng novel coronavirus sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang dahilan ng kanilang pagkansela sa nasabing event.
“We all have to be careful and safe as to the Coronavirus as there is a chance that we will be quarantine when we go back to the US,” dagdag nila.
Samantala, tuloy na tuloy naman ang medical mission ng Medical Mission of Mercy, (USA) sa Romblon District Hospital sa darating namang February 10 hanggan 14.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang screening sa mga health centers sa mga gustong magpalista.