Nakatanggap ng mga gamit para sa pagsasaka kamakailan ang Tumingad Farmers and Irrigators Association (TFIA) sa Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon mula sa provincial government sa pamumuno ni Governor Jose Riano.
Ayon kay Engr. Al Fetalver, officer in charge ng Office of Provincial Agriculture (OPAG), nakatanggap ang grupo na may tinatayang mahigit 50 kasapi ng isang hand tractor, isang water pump at sampong sako ng certified rice seeds mula sa kanilang opisina.
Masaya namang tinanggap ng grupo ng mga magsasaka sa pamumuno ni Pio Faa ang ayuda mga nabanggit na gamit at sinabing malaking bagay umano ito lalo na ngayong madalas ng nakakaranas na ng ulan ang bayan, dahil makakasimula na silang magtanim.
Dagdag ni Engr. Fetalver, ang provincial government ay susunod na magbibigay ng hand tractor at iba pang uri ng ayuda sa mga magsasaka ng Brgy. Calabogo, Romblon, Romblon.
Kasama ni Engr. Fetalver na nagkaloob ng ayuda sa mga magsasaka si Sangguniang Panlalawigan member Letty Magango, provincial corn coordinator Wally Boy Falcutila at high value crops development program coordinator Liza Gaca. — with reports from Jose Rizal M. Reyes