Isang sunfish na di pangkaraniwang nalalambat ng mga mangingisda sa Romblon, Romblon ang nahuli ng mga mangingisda nitong Linggo sa Barangay Agpanabat.
Ayon sa mangingisdang nakahuli rito, sumabit umano ang malaking isda sa lambat ng kanilang bangka kaya hinuli nalang umano nila.
Nakakain naman umano ang karne nito at hindi pa naman itinuturing na endangered species.
ADVERTISEMENT
Ang mga sunfish ay karaniwang nakikita sa 60-125 miles mula sa coastline. Lumalaki ang sunfish hanggang 2,000 pounds at habang 6-10 feet.