Muling pinaalalahanan ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdala ng mga inuming nakalagay sa babasaging bote sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Biniray Festival bukas sa bayan ng Romblon, Romblon.
Batay sa executive order na pinirmahan noong nakaraang taon ni Mayor Gerard Montojo, mahigpit na ipagbabawal ang mga babasaging bote lalo na kasagsagan ng street dancing competition.
Dapat umanong ilipat sa non-glass containers ang lahat ng inumin na nakalagay sa bote bago ito mapayagan sa kalsada.
Ang pagkakaroon ng mga basag na bote na naging dahilan ng aksidente ang tinukoy ng executive order kung bakit kailangang i-ban ito sa kasagsagan ng pagdiriwang.
Pinaalalahanan rin ng lokal na pamahalaan ng Romblon ang lahat ng tindahan ng mga alak na sundin ang executive order.
Ang susuway sa nasabing executive order ay magmumulta ng hanggang sa P1,000 at 24 na pagkabilanggo sa Romblon Municipal Police Station.