Naglabas ng pahayag ang Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon patungkol sa supply ng gamot sa lalawigan para sa mga pasyenteng may epilepsy.
Ayon sa inilabas na statement ni Atty. Lizette Mortel, Provincial Administrator, nitong gabi ng Lunes, January 27, may available pa umanong mga gamot para sa mga epileptic patients, pamalit sa gamot na phenobarbital na kasalukuyang walang supply sa botika ng Romblon Provincial Hospital, ito ay ang mga gamot katulad ng tegretol, dilantin, balproic acid, at trileptal.
Ang mga nabanggit umanong gamot ay available sa Mercury Drugs Store sa bayan ng Odiongan sa halagang P4 hanggang P49.75 bawat tableta. “It’s readily available and you don’t even need an S2 license to prescribe it and an S3 license to make it available,” ayon kay Atty. Mortel.
Ngunit ayon sa pamilya ng ilang epileptic patients na nakausap ng RNN nitong Martes, hindi umano sagot ang alternative na gamot sa kanilang sakit dahil phenobarbital umano ang reseta sa kanila ng Doctor, at ito ang epektibo sa kanila.
“Noong sa Manila namin dinala ‘yung anak ko, [yun] ang reseta sa kanya ng neurologist, hindi na po kami nagtanong ng ibang alternative na gamot. Sa ngayon nagpapabili kami ng gamot sa Mercury sa Manila tapos ipapa-LBC nalang po dito [sa Odiongan],” ayon sa Ina ng isang epileptic patient.
Samantala, itinanggi naman ng Provincial Government ang napapabalita sa social media na may ilang pasyenteng namatay sa lalawigan dahil sa simpleng seizure.
“A lot of efforts are being made by the employees of the Provincial Government, RPH, the people themselves to improve health services/have better health but it is saddening to note that news that may cause anxiety to epileptic patients would come from a doctor. Worse- it’s untrue,” pahayag ni Atty. Mortel.
At dahil layunin naman umano ng Provincial Government na tulungan ang mga Romblomanon na may sakit, at mas mapaganda ang health services sa probinsya, titingnan umano nila ang posibleng pagbibigay ng programa para sa mga epileptic patients.
“After all that is our end goal-improved health services and a well Romblomanons. Epileptic patients can count on the Provincial Government’s help and support especially that it is the Governor’s priority,” dagdag ni Atty. Mortel.