Sa kabila ng pagkalat ng Wuhan’s coronavirus sa mundo, may paalala ang World Health Organization sa tamang pagsuot ng mga face masks.
Ayon kay Prof. Wing-Hong Seto ng World Health Organization (WHO), iisa lang ang tamang pagsuot ng face masks, ito ay ang pagsuot na labas ang kulay blue.
“You see it has a blue color on the outside, because it’s waterproof. Then you have white on the inside wich is an abosbent, so if I caugh it absorbs it,” ayon sa Propesor.
“You have seen people wearing like this [White in the outside, blue in the inside], it’s totally wrong you see,” dagdag pa ng Propesor.
Sa isang face masks makikita mo rin umano ang isang parang bakal, ito umano ay dapat taas para pwede mong mabend depende sa hugis ng iyong ilong.
Mahalaga rin na hindi labas ang ilong at bibig pag nagsusuot ng face masks dahil nawawala ang silbi nito na bigyan ng protection sa sakit ang gumagamit rito.
Kahit ang pagtanggal ng face masks at pagtapon rito ay mahalaga rin.
“Because once you wear a masks, you should consider the blue side as dirty, then when you remove it, don’t touch it, just drop it and then do hand hygiene,” ayon pa sa Propesor.