Simula ngayong January 29, 2020 ay 24/7 na ang kuryenteng natatamasa ng mga residente ng San Jose, Carabao Island, Romblon, ayon sa pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO).
“Starting 9:00 a.m. today, the National Power Corporation (NAPOCOR) will operate 24 hours from its daily 16 hours operation in the island Municipality of San Jose (Carabao Island), Romblon,” ayon sa pahayag ng nabanggit na electric provider.
Dagdag ng pamunuan ng TIELCO, si mismong NAPOCOR President Pio Benavidez ang kumumpirma sa balita sa pamamagitan ng pagtawag niya kay Congressman Eleandro Madrona.
Maalalang hiniling na noon ni San Jose mayor Ronnie Samson sa National Power Corporation ang pagkakaroon ng 24/7 na kuryente sa isla sa kabila ng pagdami ng mga turista na bumibisita sa lugar, na tinugurang kapatid ng Boracay.