May mga panibagong baby pawikan nanaman ang pinakawalan sa dagat sa lalawigan ng Romblon ngayong buwan, ngayon naman sa bayan ng San Andres, Romblon.
Aabot sa 192 na bagong pisang olive ridley sea turtle ang pinakawalan sa dagat ng Barangay Calunacon ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Romblon, San Andres Municipal Police Station, at barangay officials.
Noong nakaraang taon ng makita ang mga itlog ng pawikan sa lugar at inalagaan ni Annie Gallos at iba pang mangingisda hanggang sa napisa nitong nakaraang araw at pakawalan sa dagat.
Ang mga nasabing pawikan ay kabilang na sa mga itinuturing na endagered species ng otoridad at malaking bagay ang pagpapakawala sa mga ito sa kanilang natural na ecosystem para makatulong para maiwasan ang pagkaubos sa kanila.