Aabot sa 1,094 na magsasaka na naapektuhan ng El Niño sa bayan ng Corcuera, Simara Island, Romblon ang nakatanggap kamakailan ng isang sakong bigas mula sa Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan at sa Kagawaran ng Agrikultura.
Dala-dala ang halos 1,100 libong sako ng palay, bumiyahe ang grupo mula mainland patungo sa isla kasama ang mga tauhan ng Romblon Social Welfare and Development Team para maipamahagi ang mga nasabing tulong.
Ayon kay Vice Mayor Apple F. Fondevilla, tulong ito ng ahensya sa mga nasalanta ng El Niño phenomenon sa isla noon pang taong 2018.
“Panahon pa ng dating mayor Rachel Bañares at vice mayor Elmer Fruelda yang request sa DA at ngayon lang napaipadala sa Simara. Sinuri at dumaan ng validation yang mga magsasaka natin na mabibigyan at siniguro talagang isa sila sa naapektuhan ng El Niño bago naisama sa listahan ng DSWD,” ayon kay Fondevilla ng makapanayam ng Romblon News Network.
Aniya, may paparating pang mga ayuda sa mga susunod na araw at ito naman ay para naman umano sa mga nasalanta ng bagyong Tisoy noong nakaraang taon.