Sinuspendi nitong Linggo ng umaga ni Governor Jose Riano ang klase sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa buong lalawigan ng Romblon para sa Lunes, December 02, dahil sa banta ng bagyong #TisoyPH na patuloy na lumalapit sa bansa.
Ayon kay Riano, ang suspensyon ay batas sa rekomendasyon ng iba pang miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).
“Suspension of classes at all levels both public and private schools in the whole province of Romblon is hereby declared effective 11:00 AM of December 01, 2019,” ayon sa Memorandum Order No. 189-2019 na pinirmahan ni Riano.
Mananatiling suspendido ang klase sa buong lalawigan hangga’t hindi tinantanggal ng Gobernador ang suspension order.
Pinayuhan rin ni Riano ang mga maliliit na bangka na iwasan munang pumalaot hangga’t hindi pa nakakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Tisoy na huling namataan sa layong 705kph Silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas na 140kph malapit sa gitna at may bugso namang 170kph habang gumagalaw patungong west ng sa bilis 25kph. — Updated December 1, 12:00PM